WOIST!

1. HALUA!welcome sa akin blog!
2. sori kung hindi ko to layout.hehe.ayoko nga nung ulap ulap eh.hehe.pero cute ung mga dahon.
3. sige,magbasa ka lang.enjoy. :)
4. Tag before you leave


apple

Anne Rose Ocampo Gamboa
UST Freshman-AB Journ
anne_237@yahoo.com
18 YEARS OLD
An Aquarian-born on the 27th of January
aktibo pag trip niya
tahimik pag wala sa mood at sad
normal na abnormal(kaw na umintindi*kindat*)
chocolate,pasta,ice cream,music and bag lover
iniiwasan nang umiyak
totoong tao ngunit minsa'y nakamaskara
babaeng di kikay
parang trip ang cramming
pessimistic na bata
friendly,parang kandidato(joke!)
miyembro ng anonymous circle,chrissanielle at inches
mahilig kumanta at sumulat
maraming pangarap sa adventurous nyang buhay
nagmamahal khet nasasaktan
loves God

ano ako sa iba?
baby ng pamilya Gamboa
appledear ni tintin
apple ni annie
apol ni mark,nikos at haifa
goo gaga ni elle
bading ni char
ust ka kada ni maann
apolnipol ni fatsy
evil twin sis ni nachi
bes bes ni bur
ultimate seatmate ni dha
kajoke tym ni lian
huggie ni karche
kalaughtrip ni sam
sadista sis ni bjorn
mommy ni chesca
anak ni joyce at lai

wishlist

a happier year
to meet new people
have a successful debut!
stay in touch with the people i love
have an adventurous trip
have my own fireworks display

friends

.nikoz.
.mark.
.elle 1.
.elle 2.
.annie.
.charlyn.
.nadine.
.jason.
.ryu.
.rizza.
.raissa.
.ayra.
.haifa.
1JRN2ROCKSAB!
.natsi.
.arvin.
.dharel.
.lian.
.sam.
.karche.
.celest.
.liza.
.dhea.
.angie.
.joyce.
.cha.

.chabs.
.kuya gabso.
.kuya avery.
.chezter.
.dominic.
.kuya ehji.
.jin.
.juno.
.kristina.
.kuya july.
.mae.
.potpot.
.mich.
.jay2.
.gab.
.glen.


tagboard








My Unkymood Punkymood (Unkymoods)


past

March 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007

credits

brushes from here & here & here & here & here
font from here
image, layout and design by this girl

Friday, March 31, 2006


..HEHE..

tinatamad na kanina sa laro
makapagonline na nga,napag-isip isip ko..
nalungkot na lang nang makitang konti ang mga nilalang
kaya nagblog hopping na lang habang ym ay nakatiwangwang

may kumausap saken, si ramoncito pala
tinatanong kung si blank ay may ym nga ba
malay ko naman, ang sagot ko sa kanya..
magkausap daw kasi sila kaya ako'y natulala

nagsimula na ang group chat,tawa siya ng tawa
nag-usap ng kung anu-ano hanggang sa maiwang kasama siya
alas-nuwebe na ng gabi, magkausap pa rin
panaginip ba ito? kung oo,ayaw ko nang magising

pumatak na ang alas-diyes, malapit na siyang lumisan
nararamdaman ko,siya'y mamimis ko na naman
aalis man siya, ako'y nandito lang naman..
nakangiti na..dahil sa buhay ko..siya'y dumaan...
"and i'll don't know what to do,'coz i'll never be with you..hehe..:D"

(mixedmasks,10:16 PM)

Wednesday, March 29, 2006


..SPEECHLESS..

alas diyes na ng gabi..
heto na naman at tulayat..
8 oras na ang lumipas..
mula ng huli akong humakbang sa pintuan ng audi..
sa paglalakad,parang ung pakiramdam na mamatay ka na..
sa isang iglap,bumabalik ang mga alaala..
mga malungkot,masaya,
kadiri,astig,
nakakahiya at nakakatuwang pangyayari..
parang fastforwarded...
ANG GRADUATION.
naganap na kanina..
parang nung practice,naiinip kame..
pero kanina..prang segundo lang ang mga oras..
gusto mang pahabain, di natin magagawa..
parang ung grad...gusto mang pigilin ang pagtatapos..
di pwede dahil dapat na talagang mangyari..

kanina di ako umiyak..dme kseng usisero..
pero deep inside,iyak na iyak na ako..sa madaming dahilan..

oo,masaya kse,may nangyari din sa lahat ng pagod at puyat...
natapos din ang isang yugto ng buhay,
at magsisimula ulet ang panibagong yugto ng buhay..

malungkot,dhel syempre..mababawan ang oras..
kasama ang mga taong pinahalagahan at nakasama mo sa maraming taon..
lalo na...bihira na lang masisilayan..
ang ikalawang tahanan na kinagisnan..
mahirap man gawin..
pero kailangang magmove on..
ika nga nila...change lang ang permanent sa buhay..

kaya...nakakaiyak man..
pero paalam na sa pagiging estudyanteng marian..
hello sa buhay na dala ang mga kaibigan sa puso ko..
habang sumusulong sa buhay na panibago..
CONGRATS SA LAHAT!
SALAMAT!

Thank you for completing me..

(mixedmasks,10:27 PM)


(mixedmasks,10:27 PM)

Saturday, March 25, 2006


Akala mo lang

Nagmamasid,nananahimik sa sakit
Nakangiti at tumatawa ngunit malungkot kahit anong pilit
Naluluha,humihinga kasabay ng ibang tao
Ngunit kahit anong gawin,hindi mo mapansin ang tunay na ako

Nakikitawa at nakikibiro sa'yo ng paminsan-minsan
'Di maipakita ang tunay na nararamdaman
Kahit anung gawing pagbubulag-bulagan
Nadarama sa bawat tingin at kilos kung pano mo siya pahalagahan

Nakikisama,nakikihalo sa bawat kwento at samahan
Nagmamahal,kahit anong sakit pa ang maranasan
Lumalaban,tumatakbo ng palayo sa'yo
Umiiwas ngunit naghihingalo dahil nasayo ang puso ko

Nauubos ang oras, sana ang luha ko'y ganun din
Para hinanakit ko 'pag kasama mo sya'y di mo mapansin
Kahit ano'y pilit,ika'y mahal pa rin
Pero kahit kailan sayo'y hindi ko sasambitin


Bahala ka nang hulaan para kanino 'to
Kaya ayokong nagoonlayn eh..nakakagawa lang ako ng ganito..
Nasasaktan lang ako..

(mixedmasks,11:37 PM)

Tuesday, March 21, 2006


10 things I hate about you
(own version)

i hate the way you slowly smile,
and our little time of talks
I hate the way you look at me,
and I hate the way you walk
I hate the way you hide your problems
And I hate the way you pretend
I hate the fact that we are nothing more
but just simple good friends
I hate the way you came into my life
and suddenly you'd say goodbye
I hate the way that I love you so much
that I could even die
I hate the fact that I fell for you
even if you'd never care at all
I hate the fact that you'll never be aware of me
though to you I gave my all...
march 21
9:46 pm

(mixedmasks,9:30 PM)

Monday, March 20, 2006


BIGLAAN
(para sa mga taong nakakaapekto sa buhay ko..salamat..)

Sa buhay natin,maraming biglaan
Dumaraan,dumadating at umaalis ng minsan
Mga karanasan o pangyayaring di inaasahan
Pero mas madalas ay ang mga taong di malilimutan

Merong mga taong makakasama mo ng matagalan
Makakasalo sa iyakan at tawanan
Pero di maiiwasang magkalayo ng minsan
Pero sa puso't isipan,magkaibigang pangmatagalan

Meron din namang sa buhay ay biglang susulpot
Mangungulit at magpapatawa upang problema'y malimot
Bihira man magkasama ngunit pag sya'y nandyan na
Sa tingin at kilos lang,tunay na kaibigan talaga

Ang malupit ay ang 3 in 1 na
Kaibigan,kaasaran at magulang sa eskwela
Sa bisig niya,pwedeng tumawa at lumuha
Sa kalokohan at problema,maasahan talaga

Iba't ibang tao man,hatid ay iba't ibang emosyon
Sila'y dumating man sa iba't ibang panahon
Mga bahagi ng buhay na nagdulot man ng hinanakit o tuwa
Sila'y mahalaga sa buhay, di 'yon maikakaila

(mixedmasks,9:53 PM)

Friday, March 17, 2006


...COUNTDOWN...

march 17 na ngayon..
11 days na lang, gagraduate na ako..
kaya bawat moment..tinetreasure ko talaga..
ung pagpasok sa school ng bangag..
ang tawanan at iyakan sa chapel..
ang kantahan,kulitan..
ang sama-samang pagkain..
ang lakwatsa..
ang piktyur-piktyur
ang food sa canteen..
ang warmth ng mga tao sa meris..
ang hangin kaninang uwian..
ang pagngiti ng mga espesyal na tao sakin..
ang walang kamatayang kwek2..
at mga chat sa gabi na may seryoso at makulit..
mamimiss ko tong lahat..
mamimis ko kayong lahat..
lalo na ung pagkatao ko na nabuo dahil sa inyo..

(mixedmasks,8:52 PM)

Wednesday, March 15, 2006


SMILE!

Napagod na rin akong malungkot
Kaya naisipan ko namang magsaya ngayon..wahhehee..
Nung umaga,batch pic na namen,umuulan pa ng orange petals..
kaya nagkaroon ako ng emotional bliss habang nakatingin kay bunot
hmm..si uhmm..naguusap nman kme..ayus lang..medyo okei nman. :D
Nung uwian, kami nila Renzo, Stan at Grea ay nagsulat muna sa board
Para sa elections sa hapong itech
Tpos, tuloy na kami sa bahay ng ligaya,pagkain at pagtulog..o da vah!
NAgcommute lang kme..mainit pero masaya..
Wahahha..it's so nice to be back in St.Charbel!
Kumain,matulog,maghampasan,magtawanan,magkwentuhan at magpiktyuran..un ang nagawa namen..
Maigsi man ang panahon at tila may kulang..
Ginusto nameng maging masaya at kalimutan ang problema...
Pero dahil nga mabilis ang oras
Kinailangan na nameng umalis ni Grea
at Bumalik sa mundo ng eleksyon..
Huling duty na namen bilang ebc..kaya nagbonding kme..
AFter nun.kainan ulet!hha..punta kme nila Stan,Grea at Renzo sa bk
Si Renzo pa nagdrive..naastigan ako..parang joy ride!
So ayun..tambay kme sandali at nagdaldalan..
Bumalik kme sa skul at dun kumain kasama ng teachers..
tpos,piktyur piktyur ulet!
Tapos bago umuwi,bumili ng ice cream sa 7-11
wahehe..so pauwi..iniisip ko ang hapi memories today..
habang nilalasap ang ice cram ..
in short..
mukha akong bata...na masaya.. :D

(mixedmasks,8:08 PM)

Tuesday, March 14, 2006


Malungkot
(sagot sa tulang masaya ni Ralph Sabog)
(yan ha,request granted!)


Hoy wanda,ano..musta ka na?
Sa inalay mong tula mo,ako'y nabigla
Ako'y ehemplo mo pala bilang taong malungkot
Iyakin,tulala man o nakasimangot

Pero hindi na ako magtataka sa iyong naisulat
Dahil tama naman ang iyong isiniwalat
Isip ko'y negatibo,mukha'y 'di maipinta
Pero sa totoo lang,ninanais ko ring sumaya

Oo, sumaya kalimutan ang problema
Ngumiti palagi at punasan ang luha
Ngunit tila natural na sa akin ang nadarama
Ang drumama,mabahala at mabalisa

Pero salamat,bihira ang tulad mo..
Ang napapansin ang malungkuting tulad ko
Isa kang tunay na kaibigan, yan ang masasabi ko
Isa sa dahilan ng bihirang pagtawa't pagngiti ko..

Sa pang-aasar at pagkanagger mo,natatawa ako
Sa pagkasabog at pagkahigh,nawiwindang ako..
Pero pag pinagtripan mo ulit ang braso ko..
Nandito lang ako..sapakan na lang tayo..


biro lang..pero salamat tlga,un ang totoo..
minsan,makikita mo na lang,nakangiti na ako..

(mixedmasks,7:04 PM)

Monday, March 13, 2006


...di ko na alam...

tong blog na to..
gusto ko nang isara..
ayoko na sanang magpost..
pagod na akong maging malungkot..
sawa na akong umiyak habang nagtatype..
tama nga sabi nila..
things don't last forever...
......
un lang..
ayoko nang magtype..
nahihirapan na akong huminga eh..
ngingiti naman ako...kahit na napipilitan...

(mixedmasks,9:41 PM)

Friday, March 10, 2006


...MiNsAn...

minsan, tumungtong ako ng hayskul
minsan, naging tahimik ako...
minsan,biglang umingay ako...
minsan,may nakilala akong mga taong tunay na kaibigan
minsan may nakilala din akong mga taong di ako trip..
minsan umiyak ako.
minsan tumawa ako..
minsan natuto akong magmahal..
minsan nakatagpo ng taong mamahalin..
minsan nakatagpo ng taong magmamahal..
minsan,di talaga sila pareho..
minsan akong nasaktan..
minsan akong nadapa..
pero minsang nabuo ulet..
sa tulong ng iba..
minsang ginustong mamatay..
o magpakamatay na lang..
minsang nakilala ka...
minsan..naging malapit..
minsang lumayo..
at ako..minsang binuo mo..
at ngayon..winawasak mo sa iyong paglayo..
sa panahong ito tuloy..
minsan,ayoko nang magising..
na bka lang sa paggising ko..
ang manatili na lang ay ang mga alaalang iniwan mo..

(mixedmasks,9:39 PM)

Thursday, March 09, 2006


MAGTAGAL KAYA?

ilang araw nang masaya..
nung monday,bonding wid tulungin..
kahapon bonding with sayahin..
kanina...ewan...ayos nman..
asaran...baitan...kulitan..kantahan..
pero habang nadadagdagan ang alaala..
lumilipas naman ang oras..
at di ko mamamalayan..
ang mga nagaganap ngayon..
ay mananatili na lang na mga alaala.
nakaukit sa puso't isipan..hindi na mabubura..
sana tama ang mga sinasabi ko.,.
sana walang limutan...
sana kayanin kong di bilangin ang mga araw na nalalabi..
sana kayanin kong magdesisyon..
sna kayanin kong magmahal..makihalubilo..
sna kayanin kong ngumiti
habang iniisip kong
"ang kasiyahan ba ngaun..magtatagal kaya?"

(mixedmasks,8:19 PM)

Tuesday, March 07, 2006


ANSAYA!

ang ironic talaga..
na kung kelan malapit na kmeng gumradweyt
tska namen naeenjoy ang pagsasama namin sa iisang eskwelahan..
bakit nga ba masaya?ang daming dahilan..
may mga kaibigan ka, na malapit man o malayo..may pamamahal..
may mga teachers na sweet at astig...
ung nagkakatinginan at ngitian kayo ng taong like mo..
ang practices..(anoouncements..)
recess at lunch breaks na may bonding..
ang pull out,meeting de avance
pagkain sa kfc..
at syempre..
ang makasama ang pamilya mo sa school sa isang bahay
kung saan,mas lalo nmeng minamahal ang isa't isa..
ang saya talaga..
sana naeextend na lang ang oras
para hindi kagad mabawi ang kasiyahan..

(mixedmasks,11:18 PM)

Monday, March 06, 2006


WHAT IF?

sa buhay na to..
walang sigurado..
kung meron man..pagbabago lang un..
maraming pagpapabago..
sa sarili..
sa iba..
sa paligid natin..
at sa pagbabagong un..
hindi lahat nagugustuhan ng karamihan..
ika nga kanina sa reco, you can't please everybody..
ang mahalaga..be the best that you can be..
aim high.
kahit paubos na ang oras ng mundo mo..
pano kaya kung huling post ko na to?
huling gabi?huling pagdilat ng mata.huling paghinga.
sa pagkawala ko,may maapektuhan kaya?
may iiyak?may matutulala?may mababahala?
ako ba,nagawa ko ba ang dapat kong gawin ngayon?
sa tingin ko hindi..pero kung mawawala ako ngayon..wala akong magagawa..
kung panahon ko na..panahon ko na talaga..
kaya kung last post ko man to..
mahal ko kayo...at paalam na..

(mixedmasks,10:10 PM)

Sunday, March 05, 2006


?

Filled with darkness, I continue to write
about me and my emotions that i continue to hide
Lightened only by this screen, I think as I cry
Remembering how you act as you hold my heart up high

Confusing smiles, hurtful words as you fill my world in
Tryin' to move away from you but i just go back from where I begin
Memories of you and me, left me with bloody scars
Refreshed by the distance as I look at you from afar

I guess you'll never be aware of how much you've damaged me
You've torn my heart open, and now I can't break free
Forever I'll feel that I'm not enough for you
I'm nothing, I'm useless, I'm an art of black and blue

No matter how hard I try, I can't make you stay
You've released my hand as pictures of us just fade away
Leaving nothing but cold memories as you say goodbye
I'll go back to our world alone, soon without you..
I'll just...die.

(mixedmasks,11:55 PM)

Saturday, March 04, 2006


TEARY-EYED

alam kong hindi masaya..
pero di ko maiwasang magbilang..
labing walong araw na lang ng samahan..
huling araw ng mga practices..
huling araw sa pagpasok sa meris..
huling araw sa paglakad sa mga isawan..
huling pagbati sa mga guard..
huling pagtambay sa quad kung san naganap ang mga
paghihirap sa scl gatherings..
huling pagrerecess ng voice o value meal..
huling paglunch ng bacon and cheese o yampo meal..
huling tawanan..
huling iyakan..
huling kulitan..
huling yakapan ng mga magkaklase..
huling asaran..
huling aminan ng mga nararamdaman.
malapit na ngang magtapos..
pero sana..hindi pa huli ang lahat..
para maayos ang dapat iayos..
maamin ang dapat aminin..
maiparamdam ang pagmamahal na di madalas sambitin..
sana kayanin kong..
gawin ang lahat ng ito..
sana di pa huli ang lahat..
sana di ako takasan ng oras..

(mixedmasks,10:41 PM)

Friday, March 03, 2006


BAKIT?

siguro ganito talaga ang buhay..
normal na talaga..
na maraming misteryo sa mundong ginagalawan natin..
maraming bagay na biglang darating,mawawala at babalik..
maraming tanong na hindi masagot..
at ako ..isa na ako sa mga taong maraming tanong na
nagnanais na magkaroon ng kasagutan..
bakit ang bilis ng panahon?
prang kahapon lang ang first day of classes..ngaun..26 days na lang..
bakit kay bilis matapos ng lahat?
bakit ganito...malungkot ako at masaya?
bakit ayaw ko pang umalis sa marys?
bakit tila..nahuhulog na ako sa iba?(naks!)
bakit marami akong tanong?
mukha na siguro akong baliw dito..
konti pa siguro yang tanong na yan..
ung iba..prang alam ko ang sagot..
pero maraming dahilan..o natatakot lang akong aminin sa sarili ko ang sagot..
sana di ganito kabilis ang panahon..
pero wala akong magagawa..
di ko mapipigilan ang pag-inog ng mundo..
isa na lang ang dinadasal ko..
sana ..walang kalimutan...sna masaya ...pra di na ako masaktan...

(mixedmasks,9:55 PM)